EPEKTO NG PAGPUPUYAT
March 19, 2009
AYOKO NA MAGPUYAT DAHIL:
- NAKAKASIRA NG DIET
Dahil gising ka buong gabi, siyempre hindi mo mapipigilang magutom. Hindi ka kumakaen ng dinner para hindi ka tumaba. Pero pag nagpupuyat ka, pagdating ng alas-dos ng umaga, kakalam ang tiyan mo at maalala mo bigla na hindi ka pa nga pala kumakaen ng hapunan.
- MABIGAT SA BULSA
Sira na nga ang diet mo, mabigat sa bulsa ang pagpupuyat. Dahil magugutom ka, mapipilitan kang kumaen. Kung saktong malas ka pa at wala kang naka-stock na pagkain na pwedeng gawing snack, mapipilitan kang lumabas ng bahay at kumain sa isang fast-food restaurant katulad ng Jollibee o Mcdo (na usually ay 24hours) para kumain. At dahil sa matinding komersyalisasyon sa ating bansa, sobrang mahal ng bilihin ditto at mapipilitan kang maglabas ng pera.
- NAKAKAHILO
Habang naglalakad ka papunta ng Jollibee o Mcdo, gegewang-gewang ka dahil sa
- MAPAPAINOM KA NG MADAMING KAPE
Dahil madami kang kape na maiinom, magsisimula ka na magpalpitate. Hindi maganda sa pakiramdam dahil ito ay nakakapanghina at feeling mo ang abnormal ng puso mo dahil mabilis itong tumibok.
- MAPAPAKAIN KA NG CHOCOLATE
Kapag hindi ka pa nakuntento sa kape, kakain ka pa ng madaming chocolate para hindi antukin. Sira na nga diet mo, mapapagastos ka pa. (see reason nos. 1 and 2)
- MALALAKI AT MALALALIM NA EYEBAGS
Hindi mo man gustuhin, lumalala ang eyebags mo dahil sa kakulangan ng tulog. Magpupuyat ka ngayon, may klase ka ng maaga bukas. Mapipilitan kang bumangon ng maaga dahil nagamit mo na ang maximum number of absences mo para sa klase na yun. Kaya sa susunod, wag ng kumuha ng klase na sobrang aga para maiwasan na magmukhang raccoon dahil sa pagpupuyat.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment




